Sabayang Patak Kontra Polio gagawin sa Maguindanao

Nakatakdang magsagawa ng Sabayang Patak Kontra Polio ang Maguindanao Government sa pangunguna ng IPHO.

Gagawin ito sa July 20 hanggang August 2 ayon pa kay Dra. Elizabeth Samama, IPHO Maguindanao Chief. Ito na ang 5th Round ng Sabayang Patak.

Target ng IPHO ang mapatakan ang 195, 068 na nagkakaedad 5 years old below mula sa 508 na mga barangay ng Maguindanao dagdag pa ni Dra. Samama.


Door to Door, Fixed Post o sa mga Baranggay Health Unit, Baranggay Health Station at Hospital , o Special Vaccination Sessions ang magiging strategy ng Sabayang Patak.

Napakahalaga niyang muling magpapatak kontra polio ang mga kabataan para narin maisigurong maging ligtas kontra sa nasabing karamdaman, sinasabing sa pinakahuling data ng DOH, 7 mula sa 14 na mga bagong kaso ng Polio ay nagmumula sa lalawigan .

Facebook Comments