“Overwhelming” ang turn-out ng 5th round ng Sabayang Patak Kontra Polio sa lalawigan ng Maguindanao.
Ayon kay IPHO-Maguindanao Chief Dr. Elizabeth Samama, 195,068 ang kanilang target mabakunahan subalit ang kanilang nabakunahan ay umabot ng 197, 6888 o katumbas ng 101% accomplishment.
Anya pa, nakakamangha ang accomplishment na ito sa gitna ng covid-19 pandemic.
Dahil sa magandang resulta ng ika-limang round ng Sabayang Patak Kontra Polio sa Maguindanao, pinasasalamatan ni Dr. Samama ang mga magulang dahil sa kanilang tiwala at isinumite ang kanilang mga anak upang mabakunahan kontra polio.
Nagsimula ang 5th Sabayang Patak Kontra Polio sa probinysa noong July 20 at nagtapos naman noong a-dos ng Agosto.
Binigyang diin naman ni Dr. Samama na bagamat nagtapos na ay patuloy pa ring susuyurin ng health workers ang mga lugar sa Maguindanao upang masiguro na mabigyan ng bakuna ang lahat ng batang edad limang taon pababa.
Pinasalamatan naman nito ang suporta ng Provincial Government sa kampanya ng IPHO.
Samantala, sa usapin naman ng COVID-19 cases sa Maguindanao, sinabi ni IPHO-
Maguindanao Chief Dr. Elizabeth Samama na abot na sa halos 8,000 ang kanilang na-cater na isinailalim sa mga pagsusuri at test, sa naturang bilang ay 40 ang nagpositibo, umaasa anya s’yang hindi na madadagdagan pa ito.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>