SABIK NA | Zsa Zsa Padilla, gusto nang magka-apo

Manila, Philippines – Praying at hoping si Zsa Zsa Padilla na magkaroon na ng apo “soon” sa panganay niyang anak na si Karylle.

Say ng 53-year old singer, tanggap na tanggap na niya na maging lola.

At sana aniya, baby boy dahil kakaunti lang ang lalaki sa kanilang pamilya.


Taong 2014 pa nang ikasal sina Karylle at band vocalist na si Yael Yuzon.

Pero ayon kay Zsa Zsa, wala naman siyang nakikitang problema kina Karylle at Yael kung bakit tumatagal ang pagkakaroon nila ng baby.

Nang tanungin naman si Zsa Zsa kung posible pa silang magkaanak ng boyfriend na si Conrad Onglao say ng singer, wala na siyang kakayahan dahil 46 years old pa lang daw ay menopause na siya.
Kahit pa raw may bagong teknolohiya para magkaanak mas gusto raw niyang i-enjoy na lang ang time nila ni Conrad.

Facebook Comments