Nananatiling ipinagbabawal ang pagbubukas at operasyon ng cockfighting o sabong, beerhouse at iba pang establishemento na ang pangunahing serbisyo ay alak maging ang kid amusement industries sa lahat ng uri ng quarantine status.
Ito ay Sa kabila ng pagpayag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa muling pagbubukas ng mga testing & health-related review centers, gyms, computer shops, aesthetic establishments, drive-in cinemas sa General Community Quarantine (GCQ) areas simula Agosto 1, 2020.
Sa IATF Resolution Number 59, nire-categorized ang klasipikasyon ng ilang Category 4 industries sa Category III kung kaya’t pinayagan na ang 30% ng kanilang operasyon simula August 1, 2020.
Ang ilang negosyo na pasok sa Category 4 tulad ng full body massage; tattoo and body piercing; live events; entertainment industries; libraries, archives, museums at cultural centers; tourist destinations; language, driving, dance/acting/voice schools ay maaari nang muli magbalik-operasyon sa ilalim ng Modified GCQ areas.
Kasunod nito, bubuo ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Health (DOH) ng mandatory health protocols para sa pagbabalik-operasyon ng mga nabanggit ng negosyo.
Samantala, bukas inaasahang i-aanunsyo ulit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang quarantine status sa bansa.
Dito malalaman kung mananatili ba sa GCQ ang Metro Manila o ibabalik sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19.