Sabong, hindi pa rin pinahihintulutan mapa-GCQ o MGCQ areas

Nakatanggap ng ulat ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na may ilang rehiyon na ang nagpapahintulot na makabalik ang operasyon ng sabong.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, na wala pang inilalabas na direktiba ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) hinggil sa sabong o pagpapanumbalik ng operasyon ng mga cockpit arena.

Kung kaya’t pinaalalahanan nito ang mga local chief executives na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang sabong sa kanilang mga nasasakupan mapa-General Community Quarantine (GCQ) o Modified General Community Quarantine (MGCQ) areas.


Payo nito, maghintay sa ilalabas na guidelines ng IATF bago magpatupad ng sariling direktiba sa kanilang lugar.

Una nang sinabi ng Palasyo na wala dapat mandato o kautusan ang isang Local Government Units (LGU) na taliwas sa inilabas na guidelines ng IATF.

Facebook Comments