Sabotahe, sigaw ng Blink Fans sa signal jamming sa Blackpink Drone Show

 

NAGHANDA ang telecommunications giant Globe ng kamangha-manghang drone display noong Biyernes ng gabi para sa kick off ng “The Show” ng K-pop group sensation BLACKPINK, ang kauna-unahang livestream concert nito sa darating na Enero 31.

Layon ng Globe na “i-reinvent ang mundo” ng milyon-milyong tagahanga ng BLINK sa pagdaraos ng “The Opening Act,” isang serye ng sky light displays noong Biyernes, Enero 22, gamit ang drones.

Sa kasamaang-palad ay biglang nagsimulang magkaroon ng technical glitches 30 minuto bago ang show. Nagsimulang mag-fluctuate ang signals at noong una, limang drones ang nawalan ng GPS signal, pagkatapos ay lahat na ng 20 drones sa loob lamang ng anim na minuto.


Nang isa-isang mawalan ng GPS at satellite signals ang drones, napilitan na ang mga organizer na kanselahin ang show.

Ginamit ng mga nabigong fans ang social media para ihayag ang kanilang pagkadismaya.

Isang fan ang nag-post ng, “I was excited to see the drone show, so sad it’s been postponed. This is the second time. Is there any act of sabotage to jam the drones?”

Isa pang Blink diehard ang nag-post ng, “Globe wants to give us a good show! This is so unfair! Hindi talaga makatarungan ‘to!”

Ang BLACKPINK ang official brand ambassador ng Globe.

Ito ang unang pagkakataon na nangyari ang naturang insidente sa isang eksperyensadong grupo, lalo na’t ang bawat drone ay may independent GPS function na hindi konektado sa system.

Ayon sa technical report ng drone expert, kung ang isa sa ilang drones ay nawalan ng signal, maaaring ito ay pumalya. Ngunit para mawalan ng GPS at satellite signals ang lahat ng drones, maaaring dahil ito sa kalapit na signal jammer.

Para payapain ang mga dismayadong BLINK fans, ang Globe ay namigay ng 1,000 “The Show” tickets para panoorin ang record-breaking K-pop quartet sa Enero 31, 2021.

Facebook Comments