Kasapi ng NPA at 2 Supporters, Arestado Matapos Masamsaman ng Baril at mga Pampasabog

37

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang kasapi ng New People’s Army (NPA) at dalawang supporters nito matapos masamsaman ng baril at mga pampasabog sa Brgy Villaflor, Cauayan City, Isabela.

Nagsanib pwersa ang PNP Cauayan City, 1ST at 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit ng Isabela PPO, 86th IB, 95th IB ng 5ID, Philippine Army, 141 SAC, 14SAB, PNP-SAF at EOD-K9 personnel upang isilbi ang Search Warrant na inilabas ni hukom Reymundo Aumentado sa bahay ng tatlong personahe sa nasabing barangay para sa paglabag sa RA 10591 at RA 9516.


Dinakip sa mismong bahay si Jerry Ramos alyas “Bobot”, 48 taong gulang, may-asawa, isang PSRTG na nakatalaga bilang contact person ng KR-CV central front sa ilalim ng Platoon Gani na kung saan ay nasamsam sa loob ng bahay nito ang isang (1) piraso ng hand grenade, dalawang (2) piraso ng CRG RG case na may dalawang live RG, dalawang (2) improvised explosive device; tatlong (3) detonating cord, isang (1) blasting cap at mga subersibong dokumento.

Inaresto rin ang dalawa pang NPA Supporter na kinilalang sina Herminio Ramos alyas “Minio”, 52 taong gulang, may-asawa at Virgilio Dela Cruz alyas “JR”, 44 taong gulang, may-asawa at pawang mga residente ng brgy. Villa Flor sa Lungsod ng Cauayan.

Nasamsam naman sa bahay ni alyas Minio ang tatlong (3) piraso ng rifle grenade; dalawang (2) piraso ng mk2 hand grenade habang nakuha naman sa tahanan ni alyas ‘JR’ ang isang (1) unit ng Cal. 45 pistol, isang (1) stainless magazine; apat (4) na bala ng Cal. 45, isang (1) itim na holster, isang (1) violet na bag pack at mga subersibong dokumento.

Ang mga suspek at mga nakuhang baril, pampasabog at subersibong mga dokumento ay nasa pangangalaga ng Cauayan City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.




Facebook Comments