Manila, Philippines – Pumalo na sa 433 personalidad ang naaresto ng Southern Police District (SPD) matapos na magsagawa ng SACLEO o Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation ang mga operatiba ng SPD sa ibat ibang lugar sa Taguig, Pateros at ibat ibang bahagi ng southern part ng Metro Manila.
Narekober at nakakumpiska ang SPD ng 107 Motorcycles kabilang ang 3 tricycles, 4 firearms; 2 hand grenade at 51 pirasong ibat ibang klase ng mga bala.
Ayon sa Southern Police District, umaabot sa kabuuang 433 personalities sa isinagawang SACLEO na isinagawa simula noong Biyernes, March 23, 2018, hanggang kagabi kung saan ay regular ng isinasagawa ng iba’t ibang units ng SPD.
Layon ng naturang operation upang paigtingin ang pagbaba ng mga nangyayaring krimen sa mga hotspot areas at mga notorious na criminals kung saan ay tinututukan ng SPD para isilbi ang Warrant of Arrest, Search Warrants, at marekober ang mga unregistered/undocumented motorcycles,mga operations laban sa illegal drugs, illegal gambling at violation of City Ordinances.
Nagresulta ang nasabing operation ng pagkakaaresto ng 433 indibidwal, 51 personalidad ang sinilbihan ng Warrant of Arrests, naaresto ang Most Wanted Person kabilang ang Top 10 Most Wanted Person sa Taguig at sa Pateros.
Kabilang sa mga naaresto ang mga drug pusher na nakuhanan ng 115 gramo ng shabu at 12 pinatuyong dahon ng Marijuana, iba’t ibang klase ng armas gaya ng dalawang pirasong cal. 38 revolver, 1 Unit Ingram Sub Machine Gun; 51 pirasong ibat ibang klase ng bala at dalawang hand grenade.