Sadanga Mayor, Binatikos ang Grupo ng Cordillera People’s Alliance

Cauayan City, Isabela- Binatikos ng alkalde ng Sadanga, Mountain Province ang ilang native group gaya ng Cordillera People’s Alliance matapos ang panghihimasok ng mga ito sa naging desisyon ng Lokal na Pamahalaan na huwang tanggapin ang relief packs mula sa DSWD.

Ayon kay Municipal Mayor Gabino P. Ganggangan,ginagamit lamang ng nasabing grupo ang kanilang pwersa para sa personal na agenda lalo na sa international forum.

Pinuna rin niya ang pagsususot ng mga native attire ng nasabing grupo na imbes na tumulong ay ginagamit pa ito para batikusin ang gobyerno.


Aniya, pinapakita lamang ng mga ito na parang kawawa ang cordillerans sa kabila ng patuloy na paghingi ng tulong abroad.

Giit pa ni Gabino, sa usapin ng paghingi ng pondo ng nasabing grupo para tulungan ang mga indigenous people ay tila wala namang nakakarating mula sa mga mahihirap na pamilya.

Posible din aniya na ginagamit lang ng grupo ang pondo na kanilang nakukuha para tulungan ang mga rebeldeng grupo.

Facebook Comments