SADANGA MOUNTAIN PROVINCE, IPINAGBAWAL ANG MGA TRANSIENT TOURIST!

Benguet, Philippines – Isang Executive Order ang inihain ni Sadanga, Mountain Province Mayor Gabino Ganggangan kung saan ipinagbabawal ang mga turistang dumadaan sa kanilang municipal road papuntang Tinglayan, Kalinga upang maiwasan ang patuloy na kalakaran ng iligal na droga tulad ng marijuana.

Ayon sa alkalde, napansin nilang nagiging dahilan ng ilan ang papularidad ni tattoo artist Apo Whang-od, para makadaan ang mga turistang hangad ay hindi ang kultura kundi ang kalakaran ng iligal na droga lalo na sa bentahan ng iligal na marijuana, kung saan kapag ito ay ipinagpatuloy, ang mga negosyong pang turismo ay magdurusa.

Dagdag pa ng alkalde na kung kailangang maging istriko, kahit legal ang ipinunta ng turistang makikidaan sa kanilang lugar, kailangan pa din sumunod at kung ipipilit man ay maaring dumaan ang naturang indibidwal sa ibang daan o kalsada.


Samantala, suportado naman ng  Police Regional Office (PRO)-Cordillera ang implementasyon ng Sadanga kung saan nakikita ng ahensya ang suporta ng lokal na gobyerno sa kampanya kontra iligal na droga.

Facebook Comments