SAF member, nagbaril ng sarili – patay

46

General Santos, Philippines – Wala nang buhay nang natagpuan ang isang Special Action Force member habang ito ay nasa loob ng kanilang tanggapan na nakabase sa Police Regional Office 12 matapos itong nagbaril ng sarili.

Kinilala ang biktima na si PO2 Melchor Cordero, residente ng North Cotabato.

Alas-6:00 ng gabi, nang natagpuan ng kanyang mga kasamahan ang katawan nito na naliligo ng kanyang sariling dugo kung saan ay natagpuan din ang kanyang 9mm na service firearms hindi kalayuan mula sa kinaroroonan ng kanyang katawan.

Mayroong sugat sa kanyang ulo ang nasabing pulis na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Sa inisyal na pag imbistiga ng police station 5, sinabi ng mga kasamahan nito na 2:30 ng hapon ng nakarinig sila ng kalabok sa isang room sa opisina ng SAF pero hindi nila ito pinansin.

Alas 5:45 ng hapon nang napansin ng kanyang mga kasamahan na hindi sumali ng kanilang formation ang nasabing biktima.

Sa ngayon iniimbistigahan pa ng pulisya ang nasabing insidenti at inaalam pa kung mayroong foul play sa pagkamatay nito.

Samantala hindi naman nagbigay ng anumang pahayag ang pamilya ng nasabing SAF member.

DZXL558

Facebook Comments