Drug suspek patay matapos manlaban sa mga pulis

32

Sultan Kudarat, Philippines – Patay ang isang drug suspek matapos umanong manlaban sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation ng Isulan PNP sa National Highway, Barangay Kolambog, Isulan, Sultan Kudarat pasado alas 4:00 huwebes ng hapon.

Kinilala ang nasawing suspek na si Regie Bonghe, 36-anyos at residente ng purok Masinadyahon, Barangay Dajay, Surallah, South Cotabato.

Nahuli naman ang kasama nito na si Melvin Paulo, 37-anyos at residente ng Barangay Zone 1, Sto. Nino, South Cotabato.

Ayon kay Police Supt. Joefilsiason Chief of Police ng Isulan PNP natunugan umano ni Bonghe na sila ang katransakisyon dahilan na agad itong tumakas sakay sa kanyang motorsiklo patungo sa bayan ng Sto. Nino, South Cotabato, ngunit nang makarating sa Crossing Dose, Barangay Poblacion sa nasabing bayan natumba ito sa sinasakyang motorsiklo at tumakbo sa palayan.

Nabaril umano ang suspek matapos na makipagbarilan sa mga humahabol sa kanya na mga pulis.

DZXL558

Facebook Comments