Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Environment and Natural
Resources (DENR) na lumagpas sa safe limit ang lebel ng coliform o bacteria
na nakukuha sa dumi ng tao sa Coron Bay, Palawan.
Ayon sa DENR, direktang napupunta sa Coron Bay ang sewage ng mga hotel at
restaurant na nakatayo sa isla.
Ilang porsyentro rin dito ay galing din mula sa mga informal settlers.
Dahil dito, magsasagawa ng relocation ng mga informal settlers sa lugar at
tatanggalin ang mga establisyimento na nakatayo sa loob ng three-meter
easement zone ng Coron Bay.
Pinaplano na rin ang pagbuo ng centralized septage facility sa lugar.
Facebook Comments