SAN FERNANDO CITY, LA UNION – Nanawagan ngayon ang Department of Health Region 1 sa kaligatasan ng pagiging ina ngayong panahon ng pandemya. Ayon kay Dr. Claire Alvarado, ilan sa mga importanteng serbisyo na kailangang maibigay sa pag-bubuntis ng isang ina ay ang pre-natal check-ups, tetanus vaccines, anti-natal at post-natal supplements, dental hygiene, newborn screening at family planning. Mahalaga rin umano ang postpartum check-ups upang maiwasan ang komplikasyon sa Ina at anak.
Dagda goa ni Alvarado, ang pag-paplano sa pag-kakaroon ng anak ay isang personal choice ngunit kailangang ikonsidera ang kalusugan at ang posibilidad na mahawa sa COVID 19 ang bata sa sinapupunan kung maging positibo ang ina. Paalala pa nito na dapat ang mga “low risk” pregnant women ay dapat lamang na manganak sa mga birthing facilities, ngunit para naman sa mga itinuturing na “high risk” sa COVID-19 ay sa mga ospital na lamang.
Maaring bisitahin ang electric consultation o e-konsulta na www.Itrmc.online ng kanilang ahensiya. Dito ay mga medical experts mismo ang sasagot sa mga katanungan ng mga buntis. Ipinagdiriwang ngayong buwan ng Mayo ang Safe Motherhood na nag-susulong na mapababa ang kaso ng mga inang namamatay at sanggol dahil sa panganganak.