SAFE NA! | Indonesian na bihag ng ASG sa Sulu, nailigtas ng militar

Sulu – Nailigtas ng tropa ng Marine Battalion Landing Team 3, ang Indonesian na bihag ng Abu Sayyaf Group sa lalawigan ng Sulu kaninang umaga.

Ito ang kinumpirma ni AFP Western Mindanao Command Spokesperson Lt. Col. Gerry Besana.

Aniya alas-7:30 ng umaga kanina nang makatakas sa pagkakabihag ng ASG ang Indonesian Kidnap Victim na sj Usman Yusuf 35 anyos sa Sitio Tubig Bual, Barangay Bual, Luuk, Sulu.


Dinukot ito ng ASG noong September 11, 2018 sa Sempornah, Sabah, Malaysia habang lulan ng isang Fishing vessel.

Agad na dinala ang kidnap victim sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital para sa medical check-up.

Sa ngayon, ayon kay Besana, 6 na lamang ang natitirang bihag ng ASG, tatlo rito ay mga Pilipino habang tatlo ay mga banyaga.

Facebook Comments