Manila, Philippines – Napabilang ang sampung lungsod ng Pilipinas sa 28 ‘safest cities’ sa timog-silangang Asya base sa survey ng ‘Numbeo’.
Ang Numbeo ay ang world’s largest database ng user-contributed data tungkol sa mga lungsod at bansa sa buong mundo.
Nagbibigay ang survey ng napapanahong impormasyong tungkol sa living conditions ng isang lugar kabilang ang cost of living, housing indicators, health care, traffic, crime at pollution.
Namamayagpag pa rin bilang no. 1 safest city ang Singapore.
Ang Valenzuela City ang itinanghal na 2nd safest city na may 24.03 point crime index at 75.79 point safest index.
3rd safest city ang Davao City na siyang hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nasa ikalimang pwesto ang Baguio City, kasunod ang Makati City na nasa 6th place.
Nasa 7th spot ang Cagayan de Oro City, 13th spot ang Cebu City at 14th ang Iloilo City.
Pasok naman sa 19th place ang Bacolod City habang nasa ika-23 pwesto ang Quezon City.
Bagamat bumagsak ang pwesto, kabilang pa rin ang lungsod ng Maynila na nasa 26th spot.