TRABAHO | Manila City Government, tatanggap ng 1,000 na college at high school students para sa 20-araw na summer jobs

31

Manila, Philippines – Tatanggap ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng 1,000 college at high school students para sa 20-araw na summer jobs na magsisimula sa Mayo a-dos.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, layunin nito na magbigyan ng oportunidad ang mga estudyante na may edad 14 hanggang 24 na makapagtrabaho sa iba’t-ibang departamento ng lungsod.

Aniya, 50% ng kanilang sasahurin ay galing sa Department of Labor and Employment (DOLE) at ang kalahati ay galing mismo sa Manila City Hall.

Pinayuhan ng alkalde ang mga estudyante na gawing ‘best’ ang kanilang trabaho, makipagtulungan sa kanilang mga ka-trabaho at matuto mula sa kanilang magiging experience.

Facebook Comments