Manila, Philippines – Namahagi ng hygiene kits ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa female dormitory ng Manila City Jail kasunod na rin ito ng isyu ng pagkakasakit ng inmates sa ibat-ibang selda sa naturang kulungan.
Pinangunahan mismo ni DSWD Undersecretary Isko Moreno ang naturang pagbibigay ng health kits sa mga babaeng inmates at nagbigay ito inspirational message na nag paluha sa mga inmates.
Pinaliwanag ni Moreno na bagama’t nakakulong ang mga female inmates ay hindi na ngangahulugan na wala na silang pag-asa sa buhay.
Ayon kay Isko Moreno plano ng Administrasyong Duterte na ibalik ang mga inmates sa lipunan at muling maging kapaki-pakinabang sa gobyerno.
Pinaalala din nito sa mga bilanggo na bagaman at matagal ang proseso ng hustisya sa bansa ay kailangan lamang magtiis dahil hindi naman sila nakakalimutan ng pamahalaan.
Kasabay nito ay nagpasalamat naman si Jail Warden Jail Senior Inspector Abueva sa maliit na tulong ng DSWD kasabay ng pag amin na hindi rin sila nakakaligtas sa mga skin diseases na nambiktima na ng ilang selda sa lungsod.