AFFECTED PA RIN? | Message umano ni Vice Ganda para kay Terrence Romeo, umani ng ibat-ibang reaksyon

203

Manila, Philippines – Umani ng kabi-kabilang reaksyon ang mistulang naging patama ng TV host/comedian na si Vice Ganda sa dati umanong naka-relasyon nito na si PBA star Terrence Romeo.

Ito ay matapos masangkot si Romeo sa gulo sa labas ng isang bar sa Quezon City at naareglo naman daw ito bago pa siya makauwi.

Nabatid kasi nagbitaw ng salita si Vice sa noontime show nila kung saan sinabi nito na “hi, kamusta ang presinto?”

Dahil dito, marami ang nag-react sa sinabi ni Vice at ilan dito sa nagsasabing updated daw siya sa kalagayan ng kaniyang-ex.

Ilan naman sa mga nagkomento ay sinupalpal si Vice saka sinabing hindi naman nakulong si Romeo sabay sundot na hirap pa din daw siyang maka-move on sa break-up nila.

Facebook Comments