SAFETY FIRST | Pagpapatupad ng tricycle ban sa mga pangunahing kalsada, pinaigting pa

Manila, Philippines – Mas pinaigting ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang kanilang tricycle ban sa mga pangunahing kalsada ng bansa.

Batay sa kautusang inilabas ng DILG, mahigpit na ipinagbabawal ang mga tricycle o pedicab sa mga national highways na pang-4 wheel vehicles lang at may hindi bababa sa normal speed na 40 kilometer per hour.

Ayon kay Quezon City Administrator Aldrin Cuña, handa namang sumunod rito ang mga LGUs.


Pero marami kasi aniyang posibleng rason kung bakit hindi pa rin ito ganap na maipatupad.

Isa na rito aniya ang kawalan ng malinaw na batas dito dahil ibat-ibang ordinansa lang ng mga lugar ang pinapatupad kaugnay sa tricycle ban.

Sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula Enero hanggang Setyembre 2018 halos 3,000 na ang naitalang aksidente na sangkot ang mga tricycle sa Maynila at 10 sa mga aksidente ay may namatay.

Facebook Comments