WEAK | PRRD, nanindigang hindi kayang pamunuan ni VP Robredo ang bansa

Manila, Philippines – Tinawag na weak o mahina ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang talumpati sa harap ng Philippine Military Academy (PMA) Alumni Association, iginiit ng Pangulo na kung sakaling hindi niya matapos ang kanyang termino ay hindi niya gugustuhin na pumalit sa kanya si Robredo dahil sa pagiging mahina nito sa diskarte.

Anya, sa edad na 73 ay malusog pa rin naman siya sa kabila ng pag-aming sumasailalim siya sa ilang medical examinations.


Nilinaw naman ng Pangulo na hindi niya intesyon na ma-offend si Robredo.

Facebook Comments