Ipinaglalatag ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang Department of Health (DOH) at Philippine Port Authorities (PPA) ng hakbang para hindi makapasok sa bansa ang nakamamatay na sakit mula sa China na Bubonic plague.
Nababahala ang mambabatas na posibleng makapasok sa bansa ang death plague dahil sa dami na rin ng Chinese nationals na dumarating sa bansa.
Batay umano sa tala ng Bureau of Immigration, umabot sa kabuuang 3.12 million Chinese nationals ang pumasok sa bansa mula Enero 2016 hanggang Mayo 2018.
Dahil dito, hiniling ni Rodriguez sa administrasyong Duterte na igiit sa gobyerno ng China ang pagpapatupad ng sariling quarantine upang matiyak na walang sakit ang sinumang residente nila na umaalis ng kanilang bansa.
Matatandaan na dalawa katao ang nasawi sa China’s Inner Mongolia Autonomous Region dahil sa Bubonic plague.