SAGAY 9 | 14-anyos na survivor sa Sagay massacre, hawak na ng NUPL

Sa halip na sa PNP, nasa kustodiya na ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) ang 14-anyos na survivor sa Sagay massacre.

Ayon kay Secretary General John Milton Lozande ng National Federation of Sugar Workers (NFSW), ibinalik na sa kaniyang ina ang bata at inaasistihan ni Atty. Kathy Panguban ng National Union of People’s Lawyers (NUPL).

Una nang napaulat na una nang nakuha ng Sagay Chief of Police ang kustodiya sa bata at nakapagbigay na rin ito ng testimonyo na nagturo sa NPA na sangkot sa madugong pangyayari.


Duda ang NFSW sa intensyon ng PNP.

Lumilitaw aniya na ang motibasyon nito ay hindi para tiyakin ang seguridad ng bata kundi makapiga ng impormasyon sa gitna ng nararamdaman nitong trauma.

Ayon kay Lozande desperado talaga ang PNP na ibenta ang Red October na tinawag nilang pantasya ng militar.

Facebook Comments