‘Sagot-for-sale,’ pinapaimbestigahan ni Senator Gatchalian

Nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian sa Department of Education na agarang imbestigahan ang nabunyag na “sagot for sale” scheme.

Tinukoy ni Gatchalian ang ulat ng Teachers’ Dignity Coalition o TDC na nagbabayad umano ang mga magulang ng sumasagot sa learning modules ng kanilang mga anak.

Babala ni Gatchalian, na siya ring Chairman ng Senate Committee on Basic Education, posibleng magdulot ito ng pinsala sa pagkatuto ng mga mag-aaral.


Kaugnay nito ay umaapela si Gatchalian sa mga magulang na huwag itong gawin dahil hindi nakakatulong para matuto ang mga mag-aaral kaya sa bandang huli ay sila ang kawawa.

Diin ni Gatchalian, kailangang humabol ng mga mag-aaral ng bansa matapos lumabas ang resulta mga international large-scale assessments na nagpapakitang nahuhuli at nahihirapan ang mga mag-aaral na lubos na matutunan ang kanilang mga aralin.

Facebook Comments