Sagot sa utos ng PET, isusumite ng kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos sa susunod na linggo

Ihahain na sa susunod na linggo ng kampo ni dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang kanilang komento sa Presidential Electoral Tribunal kaugnay sa isyu ng electoral protest.

Sa In Focus Forum sa Quezon City, sinabi ni Marcos na umaasa sila na kakatigan ng PET ang kahilingan nilang maibasura ang resulta ng nagdaang Vice Presidential elections sa ilang lalawigan na kanilang kinukwestyon.

Gaya ng paniniwala ng kampo ni Vice President Leni Robredo na sila ang kakatigan ng PET, umaasa rin si Marcos na sila ang pakikinggan ng Korte Suprema sa isyu ng electoral protest kapag nailatag na ang lahat ng mga argumento.


Facebook Comments