Manila, Philippines – Nananatili sa Barangay Ned, Lake Sebu elementary school ang nasa 180 indibidwal na lumikas dahil sa bakbakan sa pagitan ng Militar at NPA.
Tinatayang nasa 80 hanggang 100 katao ang nag-evacuate mula sa Sitio Polosubong habang halos 100 rin ang lumikas mula sa naturang barangay patungo sa Sitio Panamin, Barangay Suminil sa bayan ng Bagumbayan sa Sultan Kudarat.
Dahil dito, nagpaabot na ng tulong ang Provincial Risk Reduction Management team sa mga bakwit upang matugunan ang pangunahin nilang mga pangangailangan.
Kaugnay nito, nanawagan naman ng panalangin si South Cotabato Governor Daisy Avance-Fuentes sa isinagawang State of Children’s Address (SOCHA) noong Lunes para sa mga apektado ng kaguluhan lalong-lalo na ang mga kabataan.
SAGUPAAN |180 indibidwal, lumikas dahil sa bakbakan ng Militar at NPA sa South Cotabato
Facebook Comments