Manila, Philippines – Sugatan ang apat na sundalo at isang sibilyan matapos ang ginawang pananambang ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Brgy. Taglibi Patikul Sulu Kagabi.
Sa ulat ng militar, alas-6:45 ng gabi kagabi nang manggulo at nagpapatutok ng baril ang nasa 20 miyembro ng ASG ilang metro ang layo mula sa kampo ng 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Brgy. Taglibi.
Dahil dito agad na gumanti ang mga sundalo at agad na nagkaroon ng sagupaan na nagtagal ng 25 minuto.
Kinilala ang apat na sundalong sugatan na sina, Seargent Ramonito Kilat; Seargent Abutallib Alling; Corporal Jun-mar Lomoggo at Private First Class Rodelio Domingo.
Habang ang sibilyang sugatan ay si Carmina Yusop.
Sa ngayon ay ginagamot pa rin sa Kuta Heneral Teodulfo Station Hospital (KHTBSH), sa Busbus, Jolo, Sulu ang mga sugatang biktima.
Nanatili naman ang defensive position ng militar sa Patikul Sulu para sa posible pang pangugulo ng mga terorista.