Sagupaan ng 86th. IB at NPA, 6 Sugatan!

Echague, Isabela – Mahigit kumulang na 20 miyembro ng NPA ang nakasagupaan ng isang platoon ng 86th. Infantry Battalion sa Barangay Mabbayad, Echague, Isabela kaninang alas singko ng umaga, June 4,2018.

Batay sa impormasyong ipinarating sa RMN Cauayan, umabot sa humigit kumulang na bente minutos ang itinagal ng labanan ng magkabilang panig ngunit umatras umano ang grupo ng NPA patungong hilagang-silangan ng Barangay Mabbayad, Echague, Isabela.

Dinala naman agad sa Isabela Doctors Hospital at Dr. Ester Garcia General Hospital sa Cauayan City, Isabela ang anim na sugatan para sa kanilang karampatang lunas na sa ngayon ay nasa maayos nang kalagayan.


Kaugnay nito, patuloy naman ang sinasagawang clearing operations ng kasundaluhan sa lugar upang maberipika ang umanoy sugatan sa panig ng mga NPA.

Matatandaan na nagkaroon ng sunud-sunod na sagupaan ang 86th. IB at NPA na naganap noong May 27, 2018 sa Dicamay, Jones, Isabela at May 31, 2018 sa Barangay Benguet, Echague, Isabela na wala namang naitalang nasugatan sa magkabilang grupo.

Facebook Comments