Sagupaan ng militar at NPA sa San Isidro, Northern Samar, nagpapatuloy

Ilang oras bago ang araw ng Pasko, nagpapatuloy naman ang sagupan sa pagitan ng militar at mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa KM14 Brgy. Happy Valley, San Isidro, Northern Samar.

Ito ang kinumpirma ni Captain Jonathan Mayonon, Civil Military Officer ng 803rd Infantry Brigade.

Aniya, ang sagupaan ang nangyayari 400 meter mula sa dating area kung saan una nilang nakasagupa ang mga NPA.


Nakakuha na aniya sila ng dalawang M16 rifle sa area at ngayon ay patuloy na hinahabol ng tropa ng 43rd Infantry Battalion at reconnaissance company ang mga NPA na nakordon na sa area ng KM14 Brgy. Happy Valley.

Sinabi ni Mayonon, ito ang pang-limang araw na operayson nila mula noong December 21 laban sa nasa 60 miyembro ng NPA.

Facebook Comments