Manila, Philippines – Sa kabila na walang direktang banta ng terorismo sa mga rally bukas,
Pinagana pa rin ng PNP ang kanilang anti-terrorism defense block system.
Direktiba ni PNP Chief Oscar Albayalde na paigtingin ang checkpoints sa iba’t ibang panig ng bansa para maharang ang mga magbibitbit ng pampasabog o ilegal na armas.
Nanatili naman sa heightened alert ang NCRPO lalo’t sa metro manila pinakaraming magra-rally.
Lilibutin ng bomb squad at k9 units ang mga matataong lugar upang mapigilan kung kung may magtatangkang mag-iwan ng improvised explosive device.
Mas pinaigting din ang intelligence measures laban sa mga makakaliwang grupo lalo’t nakatanggap ang PNP ng impormasyon na itutulak ng CPP-NPA ang pagpapatalsik kay Pangulong Duterte.
Iniutos pa ni Gen. Albayalde na respetuhin ng mga pulis ang kalayaan sa pamamahayag at karapatang pantao ng mga sasama sa martial law rally bukas.
Kanina sinabi ni PNP Spokesperson Chief Supt. Benigno Durana na apat libong pulis ang ipapakalat bukas para tiyakin na magiging payapa ang mga kilos protesta.