Manila, Philippines – Viral ngayon sa social media ang video ng blogger na si Sass Sasot matapos nitong komprontahin ang isang isang foreign media mula sa BBC.
Ito ay dahil sa hindi patas na pagtrato sa mga pro at anti Duterte administration.
Partikular na kinumpronta ni Sasot si BBC South East Asia correspondent Richard Head sa international media center sa Pasay City kung saan kasama din nito si Asec. Mocha Uson na nakinig lamang sa usapan ng dalawa.
Iginiit ni Sasot na ang isang minor blogger at isang Duterte critic na Pinoy Ako Blog ay binigyan ng pagkakataon na banatan ang pangulo at ang mga supporters sa international media.
Galit na sinabi ni Sasot na hindi man lamang nakuha ang kanilang panig sa mga kritisismong ibinabato sa kanila at sa pangulo.
Ikinagalit din ng blogger ang pagpayag na ilabas ang kanyang address na aniya ay delikado para sa kanyang kaligtasan dahil matapos noon ay may mga banta na itong natatanggap.