Tiniyak ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na isasabay nila ang sahod para buwan ng Marso at Abril ng mga guro at non-teaching personnel ng Kagawaran.
Ayon kay Deped Secretary Leonor Briones, pinagutos na niya sa Finance Department ng kagawaran na bilisan ang paglabas ng sahod para sa buwan ng Marso at Abril.
Isama na rin anya, ang iba pang tulong na kailangan para sa mga apektado ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19).
Sa isinagawang pagpupulong ng DepEd Mancom kahapon, na priority nila muna ang sahod ng ngayong buwan at para sa Abril na maibigay bago matapos ang buwan ng Marso sa mga guro at Regular, Plantila at consultant employees’ ng DepEd.
Pero anya nakapending pa rin ang 2018 performance base bunos para sa mga guro at hindi pa tiyak kung kailan ito marerelease.