Nakatakdang ideklara sa ranggong ‘Minor Basilica’ ang 18th century na isang simbahan sa lalawigan ng Pangasinan.
Ang anunsyo ay inilabas ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan kung saan ipinagkakaloob ni Pope Francis ang naturang titulo sa Saint Dominic Parish Church sa San Carlos City.
Ito ang kauna-unahang Dominican Church sa probinsiya na gawa sa kawayan at nipa na itinatag noong 1587 sa Binalatongan sa lungsod.
Inilipat ito sa mataas na pwesto noong 17th at 19th century dahil sa pagbahang nararanasan sa mismong lugar kung saan ito itinatag.
Matapos ang Palaris Revolt noong 1765, sinimulan ang pagtatayo sa simbahan at nakumpleto ang konstruksyon nito noong 1773 kung saan ang simbahan ay nasa 250 taong gulang na.
Si Santo Domingo Ybanez De Erquicia na nakatanggap ng martyrdom sa nagasaki at San Francisco Gil De Federich na namatay sa Vietnam ay kabilang sa mga nangasiwa sa naturang simbahan.
Aabot din sa 44 na katao na nagmula dito ang naging pari.
Sa ngayon wala pang petsa kung kailan isasagawa ang liturgical rites para sa proklamasyon nito at iaanunsyo sa takdang panahon.
Iginagawad ang titulong Minor Basilica sa isang simbahan dahil sa makasaysayan at pagkakaroon ng milagro sa mag deboto nito.
Ang pagsisimba sa Minor Basilica ay katumbas ng biyaya na natatanggap mula sa Vatican. | ifmnews
Facebook Comments