SAKIT DULOT NG TAG-INIT | Mga preso sa Manila City Jail, sinimulan nang ipasuri sa mga doktor

Manila, Philippines – Dumaranas na ng iba’t ibang sakit dulot ng mainit na panahon ang llibu-libong preso sa Manila City Jail gaya ng pigsa, bungang-araw, hypertension at tuberculosis.

Ayon kay Manila City Jail Spokesperson Senior Inspector Jayrex Bustinera, sinimulan nang isalang sa pagsusuri ang mga bilanggo upang maiwasan ang pagkahawa o pagkalat ng infectious diseases.

Paliwanag ni Bustirnera na mayroong ng 120 na detenido ang nakaranas ng hypertension, isa sa kanila ay namatay habang dalawa naman ang na-stroke.


Mayroon ding mga namamaga ang mga paa at hindi halos makalakad dahil sa sakit at pamamaga dulot ng sakit na diabetis.

Dagdag pa kay Bustinera, 8 araw na ngayon na nagsasagawa ng TB Screening sa pamamagitan ng mobile clinic ng Department of Health na katuwang ng MCJ sa pagtugon sa mga karamdaman ng mga inmate.

Naglagay na rin ng hiwalay na selda ang pamunuan ng MCJ sa mga may-sakit na preso upang upang hindi magkahawaan.

Mayroon anyang proseso na dapat sundin kung sakaling kailanganing dalhin sa Ospital ang isang inmate na may malala nang kondisyon.

Ang MCJ ay mayroon lamang kapasidad na 1,100 inmates ngunit sa kasalukuyan ay umaabot na ito sa 5,400.

Facebook Comments