*Cauayan City, Isabela*- Nananatili pa rin ang mataas na bilang ng mga taong tinatamaan ng sakit na Pneumonia ang naitatala ng Cauayan District Hospital.
Ito ay batay sa nakalipas na talaan mula Enero hanggang Disyembre noong nakaraang taon.
Ayon kay District Hospital Administrator Reygie Lopez, pumalo sa kabuuang 1,340 ang pasyenteng kanilang naitala na una sa limang dahilan ng nadidischarged ng kanilang pagamutan.
Sumunod dito ang sakit na Gastroenterities, Urinary Tract Infection (UTI), Dengue at Acute Upper Respiratory Infection (AURI).
Samantala, nanguna naman sa talaan ng limang kaso ng sakit na dahilan ng pagkamatay ng mga pasyenteng kanilang naitatala ay ang Cerebrovascular Accident o kawalan ng hangin sa utak na nauuwi sa pagkastroke ng isnag pasyente, Pneumonia, Congestive Heart Failure, Sepsis at Acute Myocardial Infarction.
Sa ganitong sitwasyon, mahigpit na paalala ng mga eksperto na magpasuri agad sa mga pagamutan upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon ng isang pasyente.