Sakit sa puso, nangunguna pa ring pangunahing kadahilanan ng pagkamatay ng mga Pilipino —PSA

Pinaalalahanan ng Philippine Statistic Authority (PSA) ang mga Pilipino na sakit sa puso pa rin ang pangunahing dahilan ng kamatayan ng mga Pilipino.

Kaya’t ngayong Araw ng mga Puso, dapat na ingatan ang ating mga puso upang hindi ito ang maging dahilan ng ating kamatayan.

Sa record ng Philippine Statistic Authority, noong 2024, ang sakit sa puso o ischemic heart disease ang isa sa pangunahing ikinamamatay ng mga Pilipino.


Ayon sa PSA, aabot sa 60,253 na mga Filipino ang nasa mula sa ischemic heart disease mula Enero hanggang Agosto 2024.

Sinundan ito ng neoplasms o tumor na nauuwi sa cancer.

Sa bilang, umaabot sa 33,910 na mga Filipino ang namatay mula sa sakit na neoplasms noong nakalipas na taon.

Pangatlo naman sa mga sakit na ikinasawi ng mga Pilipino ay ang cerebrovascular diseases gaya ng stroke o brain attack.

Base sa talaan ng PSA, aabot sa 30,552 ang naitalang nasawi noong nakalipas na taon dahil sa sakit na ito.

Nabatid na pang-apat ang pnuemonia habang panlima sa mga sakit na ikinasasawi ng mga Pinoy ay ang diabetes.

Facebook Comments