Nananatiling nangungunang dahilan ng kamatayan sa Pilipinas noong nakaraang taon ang mga sakit sa puso.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang tatlong nangungunang dahilan ng kamatayan sa bansa ay Ischemic heart diseases, neoplasms at cerebrovascular diseases.
Aabot sa 99,700 ang namatay dahil sa sakit sa puso o 17.3% ng total deaths.
Ang neoplasms naman o mas kilala bilang ‘cancer’ ay nakapagtala ng 62,300 deaths.
Nasa 59,700 ang namatay dahil sa cerebrovascular diseases.
Pasok din sa listahan ng dahilan ng kamatayan sa Pilipinas ang COVID-19.
Ang mga datos ng PSA ay iba sa iniuulat ng Department of Health (DOH).
Ang kanilang mga datos ay nakabatay sa medical certificate portion ng death certificates, habang ang datos ng DOH ay kinukolekta mula sa surveillance system.