Pangulong Duterte, patuloy ang public engagements sa kabila ng COVID-19 surge

Magpapatuloy ang mga public engagements ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng surge ng COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, itutuloy ng Pangulo ang mga aktibidad nito.

Pero aminado si Roque na limitado ang domestic travels ni Pangulong Duterte sa mga lugar na nasa ilalim lamang ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) o low-risk areas.


Ang mga public engagements ni Pangulong Duterte sa labas ng Malacañang ay alinsunod sa mahigpit na health at safety protocols.

Facebook Comments