Sako-sakong pinagbabawal na gamit nakumpiska sa Manila North Cemetery

Patuloy na dumarami ang nakukumpiskang gamit na bawal ipasok sa loob ng Manila North Cemetery.

Kabilang na dito ang matutulis na bagay, sigarilyo, alak, speaker, lighter at iba pang mga flamable materials.

Ayon kay MPD DD General Bernabe Balba, higit sa sampung sako at 10 dram na ang kanilang napupuno o katumbas ng higit 8k mga pinagbabawal na gamit.


Sa ngayon bigla muling dumagsa ang mga bumibisita dito sa sementeryo matapos gumanda ang lagay ng panahon.

Kanina kasi 320 nalang ang tao sa loob sementeryo pero humataw ulit ang crowd estimate sa 10k.

Sa huling pagtaya ng mpd nasa 1 milyon and 12k na mga radyoman natin ang bumisita sa Manila North Cemetery.

At ito ay tataas pa kapag nagpatuloy ang magandang panahon ngayong araw hanggang bukas.

Facebook Comments