Sakop ng Interim Reimbursement Mechanism ng PhilHealth, pinalawig pa

Inihayag ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ginagamit ang Interim Reimbursement Mechanism (IRM) para sa mga Health Care Institutions (HCIS) sa bansa sa oras nang sakuna tulad ng kalamidad, pagkakasakit at iba pang pangyayari.

Ang mekanismong ito ay una nang ginamit noong may bagyong Ondoy, Yolanda maging ang pagsabog ng Bulkang Taal kung saan maraming mga Pilipino at naapektuhan at nawalan ng pang-kabuhayan.

Sa ngayon, lalo pang lumawak ang mga HCIS na tinutulungan ng PhilHealth kung saan meron na ring dialysis centers at lying-in clinics sa buong bansa na pwedeng i-aplay ang IRM.


Sa ngayon, kabuuang 14.9 bilyong piso na ang naipalabas ng PhilHealth para sa IRM alinsunod sa guidelines na itinakda ng nasabing ahensiya.

Facebook Comments