Hepe ng MPD Station 9, patay sa atake sa puso

241

Pumanaw na ang Station Commander ng Manila Police District (MPD) Station 9 na si Pol. Lt. Col. Michael Garcia matapos atakihin sa puso.


Unang dinala ang opisyal sa Manila Medical Center matapos mahirapang huminga.

Ayon sa mga doktor, cardiogenic shock secondary to acute coronary syndrome-myocardial infection ang ikinamatay ni Garcia.

Lumabas naman sa pagsusuri na negatibo siya sa COVID-19.

Sa kabila nito, inatasan pa rin ng pamunuan ng MPD ang lahat ng kanilang mga personnel na nagkaroon ng close contact kay Garcia na makipag-ugnayan sa bawat units para mamonitor ang kanilang mga kondisyon.

Nabatid kasi na dalawa ring opisyal ng MPD ang nasa isolation facility ng National Capital Region Police Office (NCRPO) matapos mag-positibo sa COVID-19.

Facebook Comments