Sakripisyo ng mga pulis sa paglaban sa COVID-19, binigyang pugay ngayong National Heroes Day

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Archie Francisco Gamboa ang sakripisyo ng mga pulis ngayong National Heroes Day sa harap ng nararanasan ngayong COVID-19 pandemic.

Sa mensahe ni Gamboa, sinabi niyang ang mga pulis, doktor, nurse, at iba pang health workers ay maituturing na bagong henerasyong bayani sa laban sa COVID-19.

Katulad aniya ng mga health workers, ang mga pulis ay walang humpay sa pagtulong at pagganap sa sinumpaang tungkulin na maglingkod sa bayan at handang i-alay ang kanilang buhay para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.


Sa huling tala ng PNP, lumagpas na sa apat na libo ang mga miyembro ng PNP na nagpositibo sa COVID 19, kung saan labing anim ang nasawi habang 2,806 ang mga gumaling na sa virus.

Maraming mga pulis ang positibo sa COVID-19 matapos na mahawa habang nagmamando sa mga quarantine control points.

Facebook Comments