SAKUNA | Sunog sa Maynila, dalawa ang sugatan

Manila, Philippines – Dalawa ang sugatan habang 10 bahay ang tinupok ng apoy sa nangyaring sunog kung saan 20 pamilya nawalan ng tahanan sa Hilum Pandacan Manila.

Ayon sa Manila BFP nagsimula ang sunog sa pamilya Perfecto na mabilis kumalat ang apoy at nadamay ang sampung bahay sa kalapit na lugar.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na nagsimula alas 9:10 kagabi at naapula alas 10:51 ng gabi at inaalam pa ng BFP kung ano ang dahilan ng sunog at magkano ang kabuuang pinsala habang inaalam pa rin ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang taong nasugatan sa naturang sunog.


Ayon kay MDRRMP Chief Johnny Yu magbibigay ayuda naman ang Manila City Government sa mga naapektuhan ng sunog kung saan ay pansamantalang mananatili muna sa Basketball Court na kanilang gagamitin bilang Evacuation Center sa mga nasunugan.

Facebook Comments