Muling magsasanib pwersa ang mga sundalong Pilipino at Amerikano para sa isang pagsasanay na naglalayong palakasin pa ang kanilang kahandaang pandepensa at paigtingin ang relasyon ng dalawang bansa.
Ang pagsasanay na ito ay ang SALAKNIB Exercise 2019 na gagawin sa Fort Magsaysay sa Palayan City, Nueva Ecija Gayundin sa Col. Ernesto Rabina Airbase mula Marso a-Kuwatro hanggang a-Beinte Kuwatro
Ayon kay Col. Noel Detoyato, Public Affairs Office Chief ng AFP, ang Salaknib Exercise na mula sa salitang Ilokano na Shield o Kalasag ay ang taunang pagsasanay ng dalawang bansa na kapwa pinangungunahan ng US Army Pacific gayundin ng Philippine Army
Nagsimula ito nuong 2015 kung saan, pawang nakatuon ito sa pagpapaigting ng kakahayan at kaalaman ng bawat isang sundalo sa kanilang tinatawag na field specialization
Para sa taong ito, sasabak sa SALAKNIB Exercise ang bagong tatag na 1st Brigade Combat Team habang ang 520th Infantry Striker Battalion naman ang isasabak ng Estados Unidos