Salam Baranggay Program ni SK Mayor Shameem Mastura nagpapatuloy

Mahigit isang libo katao ang nakabenepisyo ng Salam Barangay Program sa Barangay Bulalo sa Bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao kahapon.

Ilan sa mga serbisyong handog ay ang Free Medical consultation, supplemental feeding,libreng school supplies, libreng gupit, manicure at pedicure, libreng tsinelas sa mga bata, libreng birth certificate, livelihood training sa mga Ina ng tahanan at iba pang serbisyo.

Sinabi ni Mayor Shameem Mastura, na tuloy tuloy ang serbisyo ng Salam ngayong 2020 dahil marami pa rin sa ating mga kababayan ang nangailangan tulong at atensyon. Kabilang na dito ang mga kabataan, mga kababaihan at matatanda.


Samantala, magiging twice a week na umano gagawin ang Salam Barangay Program ayon sa butihing Alkalde ng bayan. Ito ay upang mas mapaabutan pa ng tulong ang pinakamalalayong lugar sa bayan.

Namigay din ang Alkalde ng mga Bola, relo at sapatos sa SALAM Program na mas lalong ikinagalak ng mga residente sa bayan.

Maliban dito, tuloy tuloy din ang Lakbay Tulong ni Mayor Mastura sa mga pinakamahirap at nangangailangan ng tulong Medikal at pinansyal.

Nagpasalamat naman ang mga opisyales at mamamayan ng Barangay Bulalo sa ibinigay na tulong ng LGU Sultan Kudarat.
FILE PIC

Facebook Comments