SALAMAT PO | Metrobank Foundation Inc at RMN Foundation sanib pwersa para sa pagtulong!

Sa ngalan ng Serbisyo Publiko para sa Masang Pilipino nagsanib pwersa ang Metrobank Foundation Inc (MBFI) at RMN Foundation Inc (RMNFI) upang maisakatuparan ang pagtatayo ng Hand-washing Facility sa isa sa pinakamaliit na paaralan sa Siyudad ng Dagupan, ang Victoria Q. Zarate Elementary School.

Aabot sa humigit kumulang 700 na estudyante’t guro ang makikinabang sa nasabing pasilidad. Parte ito ng progrmang HEAL ng MBFI na may kinalaman sa kalusugan at focused sa paghuhugas ng kamay. Ito ay unang proyekto ng nasabing dalawang foundation na isinakatuparan sa Northern Luzon.

Taos pusong pasasalamat mula sa mga estudyante, magulang, at teaching staff ng Victoria Q. Zarate Elementary School ang kanilang ipinaabot sa MBFI at RMNFI sa ginanap na turn-over ceremony kahapon ng umaga.


Dinaluhan nina Ms. Jennifer Villar, RMN Inc. HR Manager at Ms. Carmela Cabatcan, CSR Manager of RMNFI kasama ang 104.7 Ifm Dagupan Staff ang nasabing turn-over ceremony. Pinaabot ni Ms. Villar at Ms. Cabatcan ang pasasalamat ng MBFI at RMNFI sa pamunuan ng paaralan sa pagtanggap ng nasabing proyekto. Malugod din ang pagtanggap ng eskwelahan sa pangunguna ni Mr. Renato Salazar, Principal III of VQZ Elementary ang buong team na nagpaabot ng taos pusong pasasalamat. Nagkaroon ng maikling programa, cutting of ribbon, gift giving, at share a food sa nasabing event.

Sa kabuuan naging matagumpay ang nasabing turn-over ceremony. Pinabatid naman ng mga kinatawan ng RMNFI na alagaan ang nasabing pasilidad upang maging kapakipakinabang pa ito sa darating pang henerasyon ng mga estudyante ng paaralan.

Muli lubos na nagpapasalamat ang mga taga Victoria Q. Zarate Elementary School sa Metrobank Foundation Inc at RMN Foundation Inc. naway marami pa kayong matulungan!


Facebook Comments