ASEAN BASKETBALL LEAGUE | Alab Pilipinas, may pag-asang makadiretso sa semis

61

Alab Pilipinas – Nagpasiklab si Pao Javelona ng 18 points at humakot ng sampung rebounds para pangunahan ang San Miguel Alab Pilipinas sa paglampaso sa CLS Knights, 101-63 sa ASEAN Basketball League sa Sta. Rosa, Laguna.

Dahil sa panalo nagtapos sa 14-6 win loss slate ang mga Pinoy para tumabla sa Mono Vampire ng Thailand sa ikatlo at ikaapat na puwesto sa team standings.

Pero may pag-asa ang Alab na makapasok sa semis kung matatalo ang Chong Son Kung Fu ng China sa kanilang laro kontra league-leaders Hong Kong Eastern sa huling laro sa elimination round.

Facebook Comments