Antipolo – Itinuturo ng Philippine National Police ang New People’s Army ang nagpasabog ng improvised explosive device sa sitio Calumpang, Brgy San Jose, antipolo city, alas-11 kaninang umaga.
Ito ang kinumpirma ni Region 4-a o CALABARZON Director, Chief Supt. Edward Carranza matapos ang isinagawang imbestigasyon sa umano ay road side bombing o ambush.
Batay aniya sa ulat, ang target talaga ng pagpapasabog ay dadaang sasakyan ng Army’s 80th infantry battalion sa lugar.
Ngunit nagkataong nagovertake aniya ang sasakyan ng military ang isang tricycle na siyang tinamaan ng pagsabog.
Nagtamo naman ng minor injuries ang dalawang sakay ng tricycle.
Facebook Comments