Top 1 Most Wanted sa Provincial Level ng Isabela, Arestado sa Ilocos Norte!

Cabagan, Isabela – Matagumpay na naaresto kahapon ang isang top 1 most wanted sa provincial level na akusado sa Brgy.4, Bacarra, Ilocos Norte.

Kinilala ang nahuli na si Domingo Ramirez, apatnapu’t siyam na taong gulang, may asawa, isang drayber, residente ng Brgy. 6, San Pedro, Bacarra, Ilocos Norte at tubong Brgy. Masipi East, Cabagan, Isabela.

Ang operasyon ay sa pamamagitan ng pinagsanib pwersa ng Bacarra Police Station, Provincial intelligence Branch, Isabela Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Chief Inspector Marlon Mallorca, ang hepe ng Police Intelligence Branch.


Isinilbi ang mandamiento de aresto kay Ramirez sa kasong murder at frustrated murder na ipinalabas ni hukom Alfredo Vergara ng RTC Branch 22 Cabagan Isabela at walang nairekomendang piyansa sa kaso ni Ramirez.

Samantala nasa kustodiya ng PNP Bacarra si Ramirez habang inaayos pa ang tamang disposisyon.

Matatandaan na pinagsasaksak ni Ramirez ang magkapatid na Lacar noong taong 1998 sa Brgy. Kalinawan Norte, Sto. Tomas, Isabela.

Facebook Comments