Salarin sa Pagpatay sa Bangladesh National sa Cabatuan, Tukoy Na!

Cabatuan, Isabela- Tukoy na ng kapulisan ang salarin sa pamamaslang sa isang Bangladesh national sa Barangay Tandul, Cabatuan Isabela kamakaylan.

Sa Ibinahaging impormasyon ng Deputy Chief of Police ng PNP Cabatuan na si Police Senior Inspector Orlando Marayag sa programang Sentro Serbisyo ng RMN Cauayan, kinilala ang suspek na si Villamor Dela Cruz at residente sa lungsod ng Santiago.

Aniya, Caliber 45 din umano ang ginamit ni dela Cruz upang patayin si Mahabub Alam, trentay syete taong gulang may asawa, negosyante at naninirahan sa nasabing lugar kung saan ay tinangay din ng suspek ang dala nitong bag na naglalaman ng perang nagkakahalaga ng mahigit kumulang walumpung libong piso.


Matatandaan na noong nakaraang Abril Dose ngayong taon ay pinagbabaril si Alam ng maraming beses habang ito ay papauwi sa kanilang bahay kasama nito ang kanyang drayber sakay ng kolong kolong.

Samantala, napag-alaman din ng mga kapulisan na sangkot din umano si dela Cruz sa iba pang pagnanakaw na nagaganap sa bayan ng Cabatuan at sa Santiago City.

Ngayon ay hawak na umano ng korte ang kaso at hinihintay nalamang ang pagbaba ng mandamyento de aresto ni dela Cruz para ito ay tuluyang arestuhin at mapatawan ng kaukulang kaparusahan.

Facebook Comments